Manila, Philippines – Naniniwala ang Department of Education (DepEd) na dapat manatili sa mga Local Government Units (LGU) ang kapangyarihang magsuspinde ng klase.
Ito ay kahit inuulan ng batikos ang ilang LGU dahil sa late na pag-aanunsyo.
Katwiran ni Education Secretary Leonor Briones, mas batid ng mga lokal na pamahalaan lalo na ng mga mayor ang sitwasyon sa kanilang lugar.
Aniya mas alam ng mga LGU ang kung gaano kalakas ang nararanasan nilang pag-ulan at pagbaha.
Iginiit ng kalihim na ang weather situation ay magkakaiba sa iba’t-ibang lugar lalo at ang Pilipinas ay may higit pitong libong isla.
Facebook Comments