Manila, Philippines – Tiwala si Ako Bicol Representative Rodel Batocabe na hindi magtatagumpay ang anumang destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Paliwanag ni Batocabe kahit anong ganda ng layunin at kahit pa galit na ang taumbayan ay hindi pa rin makabubuti sa bansa ang extra constitutional na pagpapatalsik sa isang Pangulo.
Tiyak aniyang hindi ito magtatagumpay lalo na kung idadaan ito sa paraang labas sa itinatakda ng saligang batas.
Babala ni Batocabe, babalik sa umpisa ang lagay ng Pilipinas at magiging mahina na naman ang democratic institutions ng bansa.
Tiyak aniyang ang mamamayan din ang magdurusa dito.
Samantala, naniniwala naman si Deputy Speaker Raneo Abu na walang sabwatan sa pagitan ng Liberal Party, Trillanes Group at grupong komunista para patalsikin si Pangulong Duterte.
Aniya, nagkataon lamang anya na nakakita ng mga issue ang ibat-ibang grupo ng oposisyon na naging venue para tirahin ng mga ito ang presidente.