IGINIIT | DOF, binigyang diin na dapat alisin ang mga exemptions bago tapyasin ang VAT rate

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Department of Finance (DOF) na kailangan munang tanggalin ang exemptions sa Value Added Tax (VAT) bago tapyasin ang 12% consumption tax rate.

Babala ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, kapag ibinaba sa 10% ang VAT ay magkakaroon ito ng negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa kung walang ipatutupad na anumang compensating measures.

Dapat aniyang tiyakin muna ng gobyerno na ang fiscal position nito ay hindi maapektuhan kapag binabaan ang 12% vat rate.


Una nang inihayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na ang panukalang tapyasan ang VAT ay magiging huling paraan ng gobyerno para labanan ang tumataas na presyo ng bilihin.

Facebook Comments