Manila, Philippines – Iginiit ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi panggigipit ang pagsubpoena ng DOJ sa mga staff ni Dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Partikular kina Atty. Ma. Lourdes Oliveros at Atty. Michael Ocampo na kapwa ipinagharap ni Atty. Larry Gadon ng kasong katiwalian.
Ayon kay Guevarra, ginagampanan lamang ng mga public prosecutor ang kanilang trabaho na mag-imbestiga sa reklamong kinakaharap ng mga tauhan ni Sereno at kasama na rito ang pagpapalabas ng subpoena.
Ayon pa kay Guevarra, hindi niya papayagan na magamit ang DOJ sa pulitika.
Nag-ugat ang reklamo na inihain ni Gadon sa maanomalyang pagkuha ng information technology consultant ng Korte Suprema sa katauhan ni Helen Macasaet na hindi idinaan sa public bidding.