Manila, Philippines – Naniniwala ang isang Mambabatas na walang karapatang mamuno o manungkulan ang isang opisyal ng Barangay o ng isang Lungsod kung ang basura lamang ay hindi magawa at masolusyunan.
Sa isang forum sa Tinapayan sa Maynila sinabi ni Marikina Representative Bayani Fernando na dapat aniyang may dedikasyon sa mga tao lalo na ang mga namumuno sa isang Komunidad upang mapanatiling malinis ang kapaligiran.
Ginawa ni Fernando ang kanyang pahayag kasunod nang naging isyu sa mga tambak ng basura at pagbaha sa Kamaynilaan at sa buong Metro Manila sa nagdaang Habagat dulot ng bagyo.
Paliwanag pa ng Kongresista, kailangan gampanan ng mga namumuno ang kanilang katungkulan at responsinilidad dahil aniya nung siya ay mayor pa ng Lungsod ng Marikina ay nagawa nitong maging malinis ang kanilang Siyudad sa loob lamang ng tatlong taon.
Paliwanag ng Kongresista kailangan lamang aniya ng sistema sa pagtatapon ng basura gaya nang kanyang ipinatupad o ipinairal na “door to door garbage collection” kung saan kailangang alagaan ng residente ang kanilang mga basura at ilalabas lamang kapag dumating na ang trak ng basura at huwag din aniyang iiwan sa kalsada upang hindi kumalat at magsanhi pa ng pagbaha.