IGINIIT | EJK, hindi kasalanan ni Pangulong Duterte – ayon kay Senator Sotto

Manila, Philippiens – Malinaw para kay Senate President Tito Sotto III na walang inaamin si Pangulong Rodrigo Duterte na kasalanan kaugnay sa Extra Judicial Killings o EJK.

Sa pagkakaintindi ni Sotto, ang mensahe ni Pangulong Duterte ay pwedeng isisi sa kanya ang EJK dahil sa ipinatupad niyang war on drugs.

Ipinaliwanag ni Sotto na dahil sa drug war ay marami ang napatay at marami din ang gumamit dito para mawala ang kanilang mga kaaway.


Pero diin ni Sotto, kahit kelan ay hindi nya narinig sa Pangulo ang pag-amin na iniutos nito ang EJK.

Facebook Comments