IGINIIT | Ekonomiya ng bansa, direktang maaapektuhan ng truck holiday!

Manila, Philippines – Tiyak na makakaaapekto sa ekonomiya ang anim na araw na truck holiday.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Steven Cua, president ng Philippine Amalgated Supermarkets Association – dahil sa tigil-biyahe, kukulangin ang ang stock ng mga supermarket na maaaring magresulta ng taas-presyo ng mga bilihin.

Aniya, sinadya talaga ng grupo ng mga trucker na gawing halos isang linggo ang truck holiday para makita ang epekto nito at hindi mauwi sa wala ang kanilang protesta.


Pero para kay Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Chairman Sergio Ortiz-Luis Jr. – hindi makakaapekto sa ekonomiya ang truck holiday dahil may dalawang malaking trucking company naman na pwedeng humila sa mga matetenggang produkto.

Gayunman, kung sasama din ang Confederation of Truckers Association of the Philippines Inc. (CTAP) at Alliance of Concerned Truck Owners and Organizations (ACTOO) sa protesta, maituturing na itong “economic sabotage”.

Isinagawa ang truck holiday para i-protesta ang anila ay phase out program ng gobyerno sa mga truck na may edad na 15 taon pataas bilang tugon sa port congestion.

Facebook Comments