IGINIIT | Epekto ng rice tariffication, dapat pag-aralang mabuti ng economic managers

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator JV Ejercito sa mga economic managers na pag-aralang mabuti ang epekto sa ating mga magsasaka ng rice tariffication.

Kaisa si Ejercito sa mga hakbang ng gobyerno para maibsan ang pagpasan ng publiko sa tumataas na presyo ng mga bilihin.

Pero diin ni Ejercito, dapat maging maingat ang pamahalaan sa bawat aksyon na posibleng makasakit sa sektor ng agrikultura.


Katwiran ni Ejercito, hirap na ang mga magsasaka at kulang din ang suporta sa kanila ng pamahalaan, tapos hahayaan pang pumasok ang mga imported na bigas na lalo nilang iindahin.

Ayon kay Ejercito, ang tunay na pag-unlad ay ang pag-ginhawa ng buhay ng lahat ng Pilipino at hindi ng iilang sektor lamang habang ang iba ay patuloy na magdurusa.

Facebook Comments