Manila, Philippines – Tiwala si Senator Francis Escudero na hindi maisasakatuparan ang Red October destabilization plot dahil nai-anunsyo na ito sa media.
Ipinaliwanag ni Escudero, na sa kasaysayan ng buong mundo at sa ating karanasan ay wala pang nangyaring kudeta na alam na ng lahat at may petsa pa.
Diin ni Escudero, ang totoong kudeta ay nangyayari na lang sa kalagitnaan ng gabi o hatinggabi at walang nakakaalam.
Facebook Comments