Manila, Philippines – Nananatiling pa ring matatag ang employment sa bansa.
Ito ang sagot ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa adult jobless less survey ng Social Weather Station (SWS).
Ayon kay Bello, taun-taon ay tumaas ng 2.1 percent mula 2010 hanggang 2017 ang bilang ng mga may trabaho.
Katunayan aniya ay lumago pa ang employment rate ng bansa sa 94.6 percent ngayong taon kumpara sa 94.4 percent noong 2017.
Sabi pa ni Bello, sa nakalipas na dekada nakapagtala ang dole ng 488,000 trabaho.
Gayunman, aminado si Bello na tumaas ang under-employment rate ng bansa sa 17.2 percent ngayong 2018 kumpara sa 16.3 percent noong 2017.
Tiniyak naman ni Bello na gagamitin nilang basehan ang resulta ng survey para mapahusay ang employment program ng bansa.