IGINIIT | Excise tax suspension sa susunod na taon, tatagal lamang ng 3 buwan – Sen. Zubiri

Manila, Philippines – Tatagal lang ng tatlong buwan sa 2019 ang suspensyon ng excise tax sa langis.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ito ang kinumpirma sa kanila nina Budget Secretary Benjamin Diokno at Finance Secretary Carlos Dominguez sa kanilang naging pulong.

Aniya, idinahilan ng mga ito na hindi maaaring suspendihin sa loob ng isang buong taon ang pagpapataw ng excise tax dahil nakadepende pa rin ito sa pagbabago ng presyo ng produktong petrolyo sa world market.


Facebook Comments