IGINIIT | Federalism makakatulong sa paglago ng ekonomiya

Manila, Philippines – Binigyang-diin ni Prof Eddie Alih myembro ng consultative committee na makakatulong ang isinusulong na pederalismo upang magkaroon ng inclusive growth ang bawat estado ng bansa.

Ayon kay Alih sa ilalim ng Federalism ang iba’t-ibang estado o state ng bansa ay magkakaroon ng kapangayarihang mamuno ng malaya tulad ng pagpapataw ng buwis at paggawa ng mga sariling batas.

Mas magiging mabilis din ang pagtulong sa tuwing may kalamidad dahil hindi na iaasa pa ng mga lalawigan o ibat-ibang probinsya sa bansa ang ayuda mula sa Metro Manila dahil mayruon na silang sari-sariling pondo at resources.


Kanina sinimulan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Federalism Media Forum sa Parañaque City na una dito sa Metro Manila.

Layon ng forum na bigyang ideya ang publiko sa isinusulong ng Duterte administration na baguhin ang porma ng gobyerno mula sa unitary system patungo sa Federal Type of Government.

Facebook Comments