Iginiit ni House Speaker Gloria Arroyo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng flood control master plan.
Ayon kay Arroyo, palala na ng palala ang epekto ng bagyo na tumatama sa bansa kaya kinakailangan ang master plan para sa flood control lalo na sa mga lugar na nagsisilbing catch basin.
Bukod dito, binigyang diin pa ni Arroyo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Disaster Resilience Department.
Sinabi ng Speaker na mas makakatugon agad sa disaster kung may kagawaran na tututok sa problema sa bagyo at pagbaha kumpara sa short-term mitigation na paraan ng pagresolba ng kalamidad.
Samantala, ilan sa mga inilalatag ngayon ang Pampanga Delta Development Program (PDDP) bunsod na rin ng pagtaas ng Pampanga River tuwing umuulan na nakakaapekto sa mga lalawigan ng Pampanga, Nueva Ecija at Bulacan.