Manila, Philippines – Sinimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan ang panukalang suspensyon ng ikalawang bugso ng excise tax sa langis sa susunod na taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – isinumite na ng economic team ang kanilang rekomendasyon hinggil dito.
Aniya, hintayin na lamang ang ilalabas na executive issuance kaugnay ng suspensyon.
Una nang inihayag ng palasyo na ikinukonsidera ang pagsususpinde ng dagdag na dalawang pisong buwis sa produktong petrolyo sa ilalim ng tax reform law kahit umabot sa ₱40 billion ang mawala sa revenue ng gobyerno.
Facebook Comments