Manila, Philippines – Iginiit nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senator Win Gatchalian sa pamahalaan na humanap ng ibang mapagkukunan ng enerhiya at maglatag ng hakbang para makatipid sa gasolina.
Ang mungkahi ng dalawang Senador ay dahil sa problema ngayon sa tumataas na presyo ng langis na pangunahing sanhi din ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ang renewable energy at electric vehicles ang nakikitang solusyon dito ni Senator Zubiri.
Paliwanag ni Zubiri, sa halip na gasolina ay malaking bagay na kuryente na lang ang magpapatakbo sa ating mga sasakyan.
Diin naman ni Senator Gatchalian, mahalaga na madevelop ang fuel security ng bansa dahil hindi pwedeng na palagi na lang tayong aangkat ng langis kung saan agad tayong maapektuhan Sa oras na magkaroon lang ng konting gera o gulo sa Middle East.
Mungkahi ni Gatchalian, dahil marami tayong ilog ay mainam na tutukan ng gobyerno ang ating hydro power plants na maaring magbigay ng enerhiya sa bansa sa susunod na limang taon.