Manila, Philippines – Posibleng tumaas ang buwis at mabaon sa utang ang pamahalaan sakaling ipilit ang pederalismo.
Ayon kay Senador Francis Pangilinan, mismong si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na ang nagsabing 120 bilyong piso ang gagastusin kapag binago ang porma ng gobyerno.
Pero ngayong kapos aniya sa pondo ang pamahalaan walang ibang mapagkukunan ng pera kundi ang mangutang o magpatupad ng dagdag na buwis.
Giit pa ni Pangilinan, maaaring magdulot ng mga negatibo epekto sa ekonomiya ng bansa ang pederalismo.
Facebook Comments