IGINIIT | Gordon, pinayuhan si Trillanes na idala sa Ombudsman ang mga alegasyon laban kay Calida

Manila, Philippines – Pinayuhan ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon si Senator Antonio Trillanes IV na dalhin sa Ombudsman ang mga alegasyon nito laban kay Solicitor General Jose Calida.

Ito ay matapos hilingin ni Trillanes kay Gordon na imbestigahan ang ‘conflict of interest’ sa P358.33 million na halaga ng government contracts na inaward sa Vigilant Investigative and Security Agency Inc. (VISAI) na pag-aari ng pamilya ni Calida.

Ayon kay Gordon, kung malakas ang ebidensiya ni Trillanes ay dapat mag-file na lang ito ng reklamo sa Ombudsman.


Doon naman aniya ang punta ng reklamo ni Trillanes kung sakaling iimbestigahan ng Senado ang mga transaksyon ng VISAI sa gobyerno.

Facebook Comments