Manila, Philippines – Binigyan diin ngayon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang kahalagahan ng 3rd player telcos kahit na nilagdaan na ang kasunduan ay para sa paggamit ng dark fiber ng NGCP para sa national broadband plan.
Sa interview ng RMN DZXL Manila kay DICT Secretary Eliseo Rio, kailangan pa rin ang 3rd player telcos para magkaroon ng kompetisyon sa dalawang malalaking telecommunication company sa bansa para sa mabilis na serbisyo.
Paliwanag ni Rio, tanging maliliit na internet services sa bansa ang kaya ng dark fiber.
Ang paggamit ng dict ng dark fiber ay kauna-unahan sa bansa kung saan kapag naisa-ayos ang implementasyon ng national broadband plan ay maari na itong gamitin ng maliliit na internet provider.
Aniya, bukod kasi mas mabilis na access ay kaya din nitong mapababa ang halaga ng internet services sa bansa.
Nasa 6,154 kilometers ng dark fiber na ang nakalatag mula Luzon hanggang Mindanao na siyang gagamitin sa nasabing proyekto.