Manila, Philippines – Iginiit ni Zamboanga City Representative Celso Lobregat na naglalaman ng “unconstitutional” o “disadvantageous provisions” ang ipinasang bersyon ng Kamara na Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Lobregat, may ilang probisyon na dapat pa ring baguhin katulad na lamang ng tungkol sa repealing clause sa ilang umiiral na batas sa bansa.
Ito aniya ang dahilan kung bakit siya nag-abstain sa botohan sa ikatlo at huling pagbasa ng naturang panukala.
Sa kabilang banda, “substantially satisfied” naman siya sa amiyendang napasama sa inaprubahan nilang substitute bill ng BBL.
Gayunman, aasikasuhin pa rin nila ang pag-amiyenda sa natitirang constitutional issues sa bicameral confernce ngayong session break ng Kongreso upang matiyak na plantsado ito bagong maging ganap na batas.