IGINIIT | Implementasyon ng universal healthcare bill, posibleng maantala

Manila, Philippines – Posibleng maantala ang implementasyon ng Universal Health Care Bill oras na malagdaan ito bilang batas.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, hindi pa kasi nakukumpleto ang konstruksyon at pagbili sa mga kagamitan para sa mahigit 1,000 health facilities sa buong bansa.

Kaya hiniling ni Duque na mapagbigyan ang P16.7-billion na pondo para sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng DOH.


Matatandaan na mula P30.26-billion noong 2018 ay binabaan ito sa P50-million sa proposed 2019 budget ng DOH.

Giit ni Duque, ang P16.7-billion na pondo ay ang kompromiso na narating nila ng Department of Budget and Management (DBM).

Layon aniya ng mas mababang pondo ng ahensya na mahabol ng DOH ang mga hindi nito natapos na proyekto.

Facebook Comments