IGINIIT | Infrastructure at ease of doing business, mas makakatulong sa ekonomiya ng bansa – CGMA

Manila, Philippines – Iginiit ni House Speaker Gloria Arroyo na hindi ang TRAIN 2 ang pinakaimportanteng bagay na magagawa ng gobyerno para makahikayat ng maraming oportunidad para sa bansa.

Bagaman at muling tiniyak ni Arroyo ang pag-apruba ng Kamara sa TRAIN 2 o Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportunities o mas kilala na TRABAHO Law sa muling pagbabalik ng sesyon ngayon araw, binigyang diin nito na may bagay pang higit na dapat bigyang halaga ang pamahalaan.

Sinabi ng speaker na ang ‘good infrastructure’ at ‘ease of doing business’ ang kailangan ng bansa para makahimok ng mas maraming mamumuhunan at manatili sa bansa ang mga investors.


Isa aniya sa mga dahilan ng paglikha ng mas maraming trabaho at oportunidad para sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng maayos na imprastraktura at mabilis na proseso ng transaksyon sa gobyerno at pagnenegosyo.

Sa kabilang banda ay tiniyak ni Arroyo na sa ilalim ng kanyang pamumuno sa Kamara ay maisasakatuparan ang mga legislative agenda ni Pangulong Duterte para sa paghahatid ng maayos na serbisyo sa publiko.

Facebook Comments