Manila, Philippines – Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na dapat si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nakikipagdayalogo sa simbahan at hindi ang kanyang mga representante.
Ayon kay CBCP Public Affairs Committee Executive Secretary Father Jerome Secillano, personal na opinyon niya lamang ito.
Ani Secillano, ang pagpupulong ay dapat sa pagitan nina Duterte at ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles lalo at magkakilala ang dalawa at kapwa galing Davao.
May pananagutan din aniya ang Pangulo sa kanyang mga sasabihin habang isinasagawa ang dayalogo.
Samantala, maglalabas ng desisyon ang CBCP pagkatapos ng kanilang plenary assembly sa July 7 kung sinu-sino ang lalahok sa aktwal na dayalogo.