Manila, Philippines – Hindi na dapat palakihin ang isyu hinggil sa mga nabukbok na bigas.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, maliit na isyu ang bukbok dahil wala naman itong pinagkaiba sa mga prutas na nilalanggam.
Aniya, senyales na matamis ang prutas kaya nilalanggam habang ang nabukbok na bigas ay patunay na hindi ito kontaminado ng kemikal.
Giit pa ng kalihim, fumigation lang ang kailangan para maitaboy ang bukbok at hindi ibig sabihin na un-fit na ang mga inangkat na butil para sa human consumption.
Facebook Comments