IGINIIT | Isyu ng pagtatayo ng casino sa Boracay, dapat iiwan sa DOT at PAGCOR

Manila, Philippines – Iginiit ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño na dapat iiwan sa Department of Tourism (DOT) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang isyung sa planong pagtatayo ng isang casino sa Boracay.

Ayon kay Diño, ang trabaho ng DILG ay ang pagbabantay at paggabay sa mga lokal na opisyal para matiyak kung tumatalima sila sa kanilang mga tungkulin.

Dagdag pa ni Diño, maaring magtayo o mag-operate ang establisyimento saanman basta at nakasunod sila sa lahat ng batas at panuntunan kabilang na ang environmental laws.


Tutungo si Diño sa Boracay sa April 26, ang araw ng pagsisimula ng anim na buwang pagsasara nito.

Facebook Comments