Manila, Philippines – Kung may nais anilang marinig ang mamamayan kay Pangulong Rodrigo Duterte sa talumpati nito mamayang alas tres ng hapon, ito ay ang tugon ng pamahalaan sa isyu ng ekonomiya.
Ito ang giit grupong Bagong Alyansang Makabayan lalo na ngayong nagtataasan ang presyo ng mga bilihin at serbisyo, lumalala ng lumalala ang kawalan ng trabaho, gutom at kahirapan.
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, hindi gawa-gawang destabilisasyon, ang dapat talakayin ni Pangulong Duterte.
Kasunod nito mariing pinabubulaanan ng grupo ang tsismis na ikinakalat ni Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol diumano sa “massive destabilization” sa September 21 dahil taon-taon naman anilang ginugunita ang anibersaryo ng deklarasyon ng martial law.
Asahan na rin aniya ang kaliwa’t kanang kilos protesta upang ipahayag ang pagkadismaya sa Duterte Administration.