IGINIIT | Justice System ang problema ng bansa kaya hindi umunlad ang Pilipinas – Atty. Diokno

Manila, Philippines – Naniniwala ang dating Dean ng De La Salle University College of Law Atty. Jose Manuel “Chel” Diokno na malala na ang human rights violation sa bansa at hindi nabibigyan ng hustisya dahil sa mabagal na justice system sa bansa.

Sa ginanap na Forum sa Manila sinabi ni Atty. Diokno na nahihirapan maiangat ang ekonomiya ng bansa kung hindi mareresolba ang problema ng justice system ng bansa dahil posibleng maraming matatakot na mga dayuhang mamumuhunan sa bansa kung mahina ang sistema ng katarungan sa Pilipinas.

Paliwanag ni Diokno na napakabagal ang paglilitis ng justice ng bansa inihalimbawa nito kaso ni dating unang ginang Imelda Marcos na umaabot sa 27 taon bukod pa sa masyado ng napupolitika ang hustisya ng bansa at kulang ang mga huwes at fiscal sa Pilipinas.


Giit ni Diokno, kakonti lang ang nakakaalam sa epekto ng martial law na simula noong 1972 hanggang 1986 ay hawak pa rin ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang judiciary at naging kalakaran ang naturang sistema hanggang sa kasalukuyan na dapat sana ay mabago upang mapabilis ang usad ng hustisya sa bansa at walang palakasan system.

Facebook Comments