IGINIIT | K-12 Program, maaga pa para husgahan

Manila, Philippines – Para kay Senator Francis Chiz Escudero, maaga pa para husgahan ngayon ang K-12 program ng Department of Education o DepEd.

Tugon ito ni Escudero sa mga puna kaugnay sa hindi agad pagkakaroon ng trabaho ng mga nagsipagtapos ng K to 12 program.

Katwiran ni Escudero, halos nagsisimula pa lang tayo kung saan hindi pa nakaka-adjust ang gobyerno pati ang pribadong sektor para sa K to 12 program.


Inihalimbawa ni Escudero ang ilang propesyon, tulad ng pagpupulis, na kailangan pang pag-aralan kung sapat na ba ang pagiging graduate ng K-12 para maging kwalipikasyon ng mga magiging kasapi nito.

Ayon kay Escudero, sa oras na maging sapat na ang pasilidad para sa mga estudyante sa K-12 program ay darating ang tamang panahon para sukatin kung ito ay epektibo.

Facebook Comments