IGINIIT | Kampo ni dating CJ Sereno, igiinit na tanging impeachment lang ang maaring magpatalsik sa kanya

Manila, Philippines – May mga bagong argumentong isinama ang kampo ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa ihinain nilang Motion for Reconsideration (MR) sa Supreme Court.

Ayon kay Atty. Carlos Cruz, isinama nila sa MR ang resolusyon ng Senado na tanging impeachment lang pwedeng mapatalsik si Sereno.

Muli ring iginiit ni Cruz na hindi basehan ang kabiguang maghain ng Statements of Assets, Liabilities, and Networth (SALN) para mapatalsik ito sa pwesto.


Aniya, isinama rin nila sa kanilang apela ang mga kaso ng mga bigong magpasa ng SALN.

Gayunman, tiniyak ng kampo ni Sereno na kikilalanin at susundin nila anuman ang magiging pinal na hatol ng SC.

Matatandaang Mayo 11 nang katigan ng SC ang petisyon ng OSG at ipinag-utos na lisanin ni Sereno ang pagka-chief justice.

Facebook Comments