IGINIIT | Karera ni VP Leni Robredo sa oras na maipatupad ang transition government hindi panghihimasukan ng Malacañang

Manila, Philippines – Itinanggi ng Malacañang na kaya isinusulong ng administrasyon ang pederalismo ay para mapa-iksi ang termino ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, wala silang pakialam sa political career ng bise presidente.

Sa katunayan aniya ay hindi nila iniisip si Robredo dahil mas nakatuon sila sa dereksiyon ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Paliwanag ni Roque, target ng Pangulo na mag-iwan ng magandang legacy sa bansa kaya itinutulak nito ang pagpapalit ng sistema ng pamahalaan.

Facebook Comments