IGINIIT | Katapatan sa mamamayan ng sandatahang lakas, ipinaalala ni Sen. Lacson

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Panfilo Ping Lacson na utang ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa sambayanan ang anumang tinatamasa nito ngayon.

Bunsod nito ay binigyang diin ni Lacson na sa mamamayang Pilipino lamang dapat maging tapat ang mga sundalo at hindi sa kaninuman na nagsulong ng kanilang mga benepisyo.

Paliwanag ni Lacson, ang mga batas para sa kapakanan ng mga sundalo ay tinrabaho hindi lamang ng iisang senador kundi ng buong Senado na siyang kumakatawan sa mamamayan.


Inihalimbawa ni Lacson ang AFP Modernization Act na tinrabaho niya kasama sina Senators Antonio Trillanes IV at Senate President Pro Tempore Ralph Recto na ang pagdinig ay pinamunuan ni Senador Gregorio Honasan II.

Binanggit din ni Lacson ang Joint Resolution No. 1 na nagtataas sa suweldo ng mga miyembro ng militar at iba pang uniformed personnel na bunga din ng sama-samang nilang pagtatrabaho kasama sina Senators Honasan, Koko Pimentel at Cynthia Villar.

Facebook Comments