IGINIIT | Kongreso – dapat munang kumbinsihin ni PRRD hinggil sa martial law sa Mindanao

Dapat munang kumbinsihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso kung bakit nararapat na magpatupad ng panibagong martial law extension sa Mindanao.

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Aniya, dapat munang ilatag ng administrasyon ang mga dahilan at detalye ng planong pagpapalawig ng batas militar na matatapos na sa katapusan ng taon.


Noong Biyernes, matatandaang sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ikinokonsidera nila sa pag-e-extend ng martial law ang plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa rehiyon at ang 2019 Midterm elections.

Habang pabor din ang Philippine National Police (PNP) sa martial law extension.

Giit ni Sotto – kung maganda ang mga paliwanag at talagang kailangan, papayag ang Kongreso.

Mayo nitong nakaraang taon nang magdeklara ng martial law si Pangulong Duterte sa Mindanao kasunod ng ginawang panggugulo ng ISIS-Maute Terrorist Group sa Marawi.

Mula sa inisyal na anim na buwang pagsasailalim sa martial law, pumayag ang Kongreso na i-extend ito hanggang sa katapusan ng 2018.

Facebook Comments