IGINIIT | LTFRB, minaliit ang ikinasang truck holiday ng mga trucking groups

Manila, Philippines – Kampante ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ikinasang truck holiday ng ilang trucking groups bilang protesta sa phase-out ng mga matatandang trucks.

Sa isang statement, tiniyak ng DOTr at LTFRB na minimal lamang ang epekto sa operasyon ng mga pantalan ang ilulunsad na “Day of Rest” sa November 19-24.

Ayon naman sa DOTr, tiniyak sa kanila ng malalaking trucking companies na hindi sila sasama sa planong tigil operasyon.


Pinasalamatan ng DOTr ang mga ito sa hindi paghinto sa kanila alang-alang sa interes ng publiko.

Nagkaroon na din aniya ng pulong sa mga maritime sector upang tugunan ang hinaing ng truckers group.

Muling nilinaw ni LTFRB Chairman Martin Delgra na walang dapat ikabahala ang mga trucking operators sa pinalulutang na phase out.

Aniya, ang mga trucks na matanda na ng labing-limang taon ay may bisa pa rin ang prangkisa habang nasa transition period.

Gayunman, kinakailangan na makapasa muna ang mga trucks roadworthiness test ng Motor Vehicle Inspection System o MVIS ng Land Transportation Office (LTO).

Facebook Comments