IGINIIT | Mababang halaga ng piso, may positibong epekto – DBM

Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Budget and Management (DBM) ang positibong epekto ng mababang halaga ng piso kontra dolyar.

Ito ay harap na rin ng pangamba ng publiko hinggil sa ekonomiya ng bansa dahil sa pagbagsak ng halaga ng piso sa loob ng 13 taon nitong nakaraang Setyembre.

Ayon kay Diokno – tumataas ang peso value ng imports na malaking pakinabang naman sa local manufacturers.


Nauna nang sinabi ni Diokno na hindi nasusukat ang katatagan ng bansa sa taas na halaga ng pera ng isang bansa.

Facebook Comments