IGINIIT | Magdalo Rep. Gary Alejano, iginiit na sumunod sila sa proseso bago nabigyan ng amnestiya

Manila, Philippines – Iginiit ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na sumunod sila sa requirements na hinihingi ng gobyerno bago sila nabigyan ng amnestiya.

Paliwanag ni Alejano, sinunod nila ang proseso at ang mga hinihinging dokumento kaya malabo ang ibinibintang na hindi nag-comply dito si Senator Antonio Trillanes IV.

Isa sa mga requirement ay ang admission of guilt at may kaakibat itong certificate patunay na pumasa sa amenstiyang iginawad ng Kongreso.


Dahil dito, pinatatantanan ni Alejano ang pamahalaan sa ginagawang panggigipit sa mga kritiko para hindi mapilitan ang publiko na maglabas ng sentimyento laban sa gobyerno.

Dagdag pa ng kongresista, mas lumilinaw pa aniya ang dahilan nila para labanan ang mga kamalian ng gobyerno dahil sa political propaganda na ibinabato sa mga taga-oposisyon.

Nakahanda din si Alejano na harapin ang pamahalaan sakaling siya naman ang isunod na bawian ng amnestiya matapos na mag-aklas noon sa gobyernong Arroyo.

Facebook Comments