IGINIIT | Malacañang, sinigurong walang casino ang makakapasok sa Boracay

Aklan – Tiniyak ng MacalaƱang na walang casino na makakapasok sa isla ng Boracay.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, patuloy na naninindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya hahayaang makapagtayo ng anumang casino sa Boracay.

Walang sinumang private entity ang maaring humamon sa political will ng pangulo.


Matatandaang planong magtayo ang Leisure and Resorts World Corporation ng Mega Casino Resort sa Boracay katuwang ang Macau-Based Galaxy Entertainment Group.

Facebook Comments