IGINIIT | Manila Bay, malabo ng mabuhay pang uli – Lito Atienza

Manila, Philippines – Naniniwala si Buhay Partylist Representative Lito Atienza na dating Secretary ng DENR na wala ng pag-asa na mabuhay ang Manila Bay dahil lubhang napakarami na talaga ang naturang dagat at nasalaula ng mga walang disiplinang mamamayan.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Atienza malayo kung ikukumpara sa karagatan sa Singapore ang Manila Bay dahil sa naturang bansa ay mayroong waste water facilities kaya ang lahat ng mga marurumi ay napupunta sa nasabing pasilidad.

Paliwanag ni Atienza malabo na umanong mabuhay ang Manila Bay maliban na lamang aniya kung maglalagay ng water waste facilities ang DENR katulad sa bansang Singapore.


Giit ng mambabatas mahalaga ang political will ng mga opisyal ng pamahalaan kung talagang gugustuhin nilang linisin ang buong paligid ng Manila Bay.

Facebook Comments