Manila, Philippines – Naniniwala si Senador Koko Pimentel III na dapat bantayan ang mga bagong miyembro ng PDP-Laban.
Ayon kay Pimentel, hindi pa kasi nila alam ang tunay na dahilan ng mga ito kung bakit sila sumali sa partido.
Matatandaang nagtipun-tipon ang mga nagpakilalang miyembro ng PDP-Laban sa isang national assembly sa Quezon City noong Biyernes para maghalal ng mga bagong opisyal ng partido.
Sa botohan, inalis bilang Secretary-General si dating House Speaker Pantaleon Alvarez at ipinalit si Wille Talac, presidente ng PDP-Laban Makati council at chairman ng NCR membership committee.
Pinalitan naman si Pimentel ni PDP-Laban National Council Chairperson Rogelio Garcia.
Facebook Comments