Manila, Philippines – Bahala na si House Minority Leader Danilo Suarez para patunayan ang mga alegasyon nito laban kay Budget Secretary Benjamin Diokno.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa gitna ng dalawang bilyong pisong budget allocation ng Department of Budget and Management o DBM para sa infrastructure projects ng Sorsogon na may conflict of interest.
Ayon kay Panelo, kung sino ang nag-aakusa ay siyang dapat maglabas ng patunay o anumang ebidensya.
Pero habang hindi aniya napatutunayan ang nasabing akusasyon, hindi magbabago ang pagkakilala ng Malacañang sa integridad ni Secretary Diokno.
Facebook Comments