IGINIIT | Mga nakukumpiskang ilegal na droga sa mga anti-drug operations sa Metro Manila, galing sa magnetic lifters – PDEA

Iginiit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang mga ilegal na drogang nasasabat sa mga anti-drug operations sa Metro Manila ay ang smuggled drugs na lumusot sa Manila International Container Terminal (MICP) gamit ang magnetic lifters.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino – ipinagkumpara nila ang mga nakumpiskang droga sa mga smuggled drugs gamit ang impurity drug profiling.

Sa pamamagitan ng impurity drug profiling, lumabas na ang shabu na narekober ng Bureau of Customs (BOC) sa MICP at ang mga drogang nakumpiska sa Barangay Toro, Quezon City at Sta. Cruz, Manila ay magkatugma.


Pinaniniwalaan din ng PDEA na ang supply ng shabu ay galing sa Golden Triangle drug syndicate.

Facebook Comments