Manila, Philippines – Pinakakasuhan ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers ang mga narco-politicians na tatakbo ngayong 2019 elections.
Ito ang pahayag ni Barbers kasunod ng plano ni DILG Sec. Eduardo Año na ilabas ang bagong listahan ng mga narco-politicians na dawit sa iligal na droga.
Payo ni Barbers, dapat na may matibay na basehan laban sa mga pulitikong isinasangkot sa iligal na droga bago ilabas ang narco-list at saka kasuhan ang mga ito.
Kapag nasampahan na ng kaso ay agad na ilabas sa publiko ang narco-list nang sa gayon ay magkaroon ng ‘informed choice’ ang taumbayan para hindi na iboto sa 2019 midterm election ang mga kandidatong sangkot sa droga.
Payo ni Barbers, hanggat maaga at may panahon pa ay dapat gawin na ito ng DILG upang maikampanya na hindi iboto sa halalan sa susunod na taon.