IGINIIT | Mga pahayag nina Lapeña at Mangaoang dapat maimbestigahan

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Tito Sotto III na mahalagang malaman kung sino nagsasabi ng totoo sa pagitan nina Customs Commissioner Isidro Lapena at NAIA Customs Deputy Director Lourdes Mangaoang.

Pahayag ito ni Sotto sa harap ng palitan ng matitinding akusasyon nina Lapeña at Mangaoang kaungay sa umano ay 6.8. million pesos na halaga ng shabu na nakalusot sa Bureau of Customs o BOC.

Inakusahan ni Mangaoang si Lapeńa ng hindi pag-aksyon sa intelligence report kaugnay sa shabu shipment kaakibat ang pagsasabing incompetent o walang kakayahan si Lapeña kaya lumalala ang problema sa BOC.


Tugon naman ni Lapeña, posibleng nagagamit ng sindikato ng illegal na droga si Mangaoang para sa siraan sya at mapatalsik siya sa puwesto.

Para kay Sotto, makabubuting magkaroon ng imbestigasyon para madetermina ang basehan ng akusasyon nina Lapeña at Mangoang laban sa isa’t-isa.

Facebook Comments