Hindi dapat kaawaan ang New People’s Army (NPA).
Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa rin sa patuloy na ginagawang karahasan at krimen ng rebeldeng komunista.
Ayon kay Pangulong Duterte – ang NPA ay hindi na binubuo ng mga rebolusyonaryo kundi mga kriminal na layong sirain ang bansa.
Binigyang diin pa ng Pangulo na ginugulo ng NPA ang mapayapang pamumuhay ng mga Lumad.
Naniniwala rin ang Pangulo na ‘market-driven’ na ang NPA at wala na silang pinanghahawakang ideyolohiya.
Hindi rin maaring kamkamin ng NPA ang kapangyarihan ng gobyerno.
Idiniin din ng Pangulo na hindi na kailangan ng arrest warrant para hulihin ang mga ito lalo at nilalabag naman nila ang batas laban sa rebelyon.
Tiniyak ng Pangulo na tatapusin niya ang probema sa rebeldeng komunista bago bumaba sa pwesto.