Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Tito Sotto III na hindi ang tipo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang basta na lamang sumusuko.
Ayon kay Sotto, marahil ay nabanggit lang ni Pungulong Duterte ang pagbibitiw dahil uminit ang ulo nito sa matinding korapsyon na nangyayari sa gobyerno.
Nauunawaan naman ni Senator Manny Pacquiao ang matinding pagkadismaya ni Pangulong Duterte sa mga problema ng bansa lalo na ang ilegal na droga at korapsyon.
Sa kabila nito ay tiniyak ni Pacquiao na hindi basta magbibitiw ang Pangulo dahil kilala niya itong may malasakit sa mamamayan at sa bayan.
Handa rin si Pacquiao na kausapin si Pangulong Duterte para kumbinsihin na huwag ituloy ang naiiisip na pagbaba sa puwesto dahil kailangan ito ng taumbayan.
Sabi naman ni Senator Panfilo Ping Lacson, hindi dapat bigyan ng literal na interpretasyon ang pahayag ng Pangulo.
Sa tingin ni Lacson ay inilalabas lang ni Pangulong Duterte ang matinding pagkadismaya sa isyu ng korapsyon lalo na sa militar at pagkakasangkot dito ng ilang malalapit sa kanya.
Si Senator Chiz Escudero naman ay nagsabing nakakataba ng puso ang sinabi ni Pangulong Duterte na isa sya sa nais niyang pumalit sa kanya kapag bumaba sya pwesto.
Naniniwala si Escudero na nabanggit lang ito ng Pangulo dahil sa frustration kaugnay sa mabagal na pagtakbo ng mga nais niyang makita at makamit dito para sa ating bansa lalo na ang pagresolba da corruption at kapayapaan.