IGINIIT | Mga volunteers sa panahon ng kalamidad, pinabibigyan ng proteksyon

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Leila De Lima ang pagtiyak sa proteksyon para sa mga licensed o accredited volunteers sa panahon ng kalamidad at emergency situations.

Nakapaloob ito sa Senate Bill Number 2013 o panukalang Emergency Volunteer Protection Act na inihain ni De Lima.

Itinatakda sa panukala ang pagkakaroon ng mekanismo para mabigyan ng proteksyon laban sa anumang pananagutan o kaso habang tumutupad sa kanilang gawin ang mga volunteers.


Pinabibigyan din ng panukala ng mandatory insurance ang mga kwalipikadong volunteers para sa disability, medical attention at death benefit.

Sakop ng panukala ang mga indibidual o grupo na lisensyado at otoridad ng mga ahensya ng gobyerno at ng Philippine Volunteer Service Coordinating Agency.

Facebook Comments