IGINIIT | MIAA, itinangging nagkaroon ng insidente ng tanim-bala

Manila, Philippines – Nanindigan ang Manila International Airport Authority o MIAA na hindi totoo ang isyu ng tanim bala, taliwas sa akusasyon ng isang pasahero na kumahat sa social media.

Batay sa isinumiteng report ng MIAA sa Malacañan, malinaw na nakita sa loob ng bagahe ng pasahero ang isang bala ng 9mm ng isailalim sa x-ray sa initial security checkpoint.

Nakaipit umano ito sa ibabang bahagi ng bulsa sa harapan ng bag na nakabalot pa ng plastic.


Bago buksan at inspeksyunin ang bag ay ipinaalam muna nila ito sa pasaherong si Kristine Moran.

Giit pa ng MIAA, sumunod sa tamang proseso ang mga nag-inspeksyon sa bagahe na isinagawa pa sa harapan ni Moran at ng iba pang security ng paliparan.

Natuloy naman anila ang byahe ni Moran matapos kumpiskahin ang bala at maitala ang insidente sa official record ng NAIA.

Facebook Comments