IGINIIT | National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, nanindigan na hindi inaabandona ng Pilipinas ang usapin ng West Philippine Sea

Manila, Philippines – Muling iginiit ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon na hindi inaabandona ng Duterte Administration ang ruling ng Permanent Court of Arbitration sa usapin ng sigalot sa West Philippine.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Esperon na pansamantala munang isinasantabi ang naturang sigalot dahil gumagawa ng paraan ang gobyerno upang itulak ang peace, stability at cordial relation sa bansang China.

Paliwanag ng kalihim nasa tamang panahon ay ipupursige ng gobyerno ang tribunal ruling kahit na ang China ay tumangging kilalanin ito upang ipaglaban ang ating soberenya at hurisdiksyon sa Philippine territorial waters.


Giit ni Esperon na ang giyera ang huling opsyon sakaling mag-provoke ang bansang China sa naturang sigalot.

Facebook Comments