Manila, Philippines – Naniniwala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na malabong sumama ang mga pulis sa anumang planong destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay NCRPO Director, Chief Superintendent Guillermo Eleazar – kuntento ang mga pulis sa kasalukuyang administrasyon.
Ibinida rin ni Eleazar ang mababang bilang ng krimen, pagtaas ng sahod at ang ipinapakitang pag-aaruga ng gobyerno sa mga pulis.
Samantala, kinumpirma ni Eleazar na pinag-aaralan nila ang ibinunyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na red October plot laban sa administrasyon.
Facebook Comments