IGINIIT | NFA hindi dapat buwagin ayon sa isang mambabatas

Manila, Philippines – Naniniwala si Davao Representative Karlo Nograles na hindi dapat i-abolish ang NFA dahil namamatay na ang agrikultura sa bansa na dapat tutukan ng gobyerno.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Nograles dapat aniyang mayroong talagang murang bigas dahil kapag mayroong bigas sa merkado ay tiyak walang magpapanik na taongbayan dahil ang bigas umano ay para sa kongresista ay buhay na dapat pagyamanin.

Paliwanag ng kongresista wala aniyang problema sa bigas gaya ng sinasabi ni Pangulong Duterte ang problema ay NFA rice na walang nabibili sa mga palengke pero nilinaw nito na maraming mabibiling commercial rice.


Dagdag pa ni Nograles dapat ang ginawa noon ng mga opisyal ng NFA ay bumili na kaagad ng mga palay sa mga magsasaka bago dumating ang bagyong Ompong at inunahan na nila dapat ang mga negosyante na bumibili ng mga palay sa mga magsasaka upang hindi kakapusin ng bigas sa merkado.

Facebook Comments