IGINIIT | NFA officials, pinagbibitiw nina Senators Bam Aquino at Kiko Pangilinan

Manila, Philippines – Iginiit nina Senators Bam Aquino at Kiko Pangilinan sa mga opisyal ng National Food Authority o NFA sa pangunguna ni Administrator Jason Aquino na mahiya at magbitiw na.

Ito ay dahil sa kabiguan ng ahensiya na tugunan ang problema sa supply ng bigas na naging dahilan ng deklarasyon ng Zamboanga City ng state of calamity.

Tanong ni Senator Aquino, nasaan na ang ipinagmamalaking inangkat na bigas ng NFA para mapababa ang presyo nito sa mga palengke.


Giit naman ni Senato Kiko Pangilinan, ang krisis sa bigas sa Zamboanga City ay kombinasyon ng korapsyon at incompetence ng mga matataas na government official, kasabwat ang mayayamang pribadong manlalaro sa industriya ng bigas.

Diin ni Pangilinan, ang makapangyarihan at ma-impluwensyang pwersa sa loob at labas ng gobyerno ang kumikita sa Pagmanipula ng NFA rice, at sa pag-import at pagbili ng bigas, sa kabuuan.

Facebook Comments