Manila, Philippines – Iginiit ng isang mambabatas na wala sanang kakulangan ng bigas sa bansa kung tinatangkilik lamang ng NFA ang pagbili ng NFA rice sa Lokal na magsasaka sa halip na mag angkas ng bigas mula sa Vietnam at Thailand.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Davao Representative Karlo Nograles na dapat tangkilikin ng mga opisyal ng NFA ang sarili nating produkto na bigas at bumili ng mga palay sa Lokal na mga magsasaka at suportahan ang lahat ng programa ng Department of Agriculture.
Paliwanag ni Nograles kapag bumili ng bigas sa Vietnam ibig sabihin aniya ay tinatangkilik natin ang mga produkto ng naturang bansa sa halip na bumili ng palay sa sarili nating bansa.
Dagdag pa ng kongresista dapat taasan ang buying price ng palay sa mga Lokal na magsasaka upang hindi matukso o maengganyo na ibenta sa mga Traders ang kanilang mga inaning palay ng mas mataas na halaga kumpara sa binibili ng NFA sa mga magsasaka na 17 pesos lamang ang bawat kilo.
Naniniwala si Nograles na bukod sa matutulungan natin ang ating mga magsasaka kapag tinitangkilik natin ang sarili nating produkto ay magkakaroon pa ng sapat na bigas sa merkado.